Duterte, pinayagan humarap sa ICC trial sa kasong crimes against humanity

Itinuturing ng International Criminal Court (ICC) na may kakayahan nang humarap sa paglilitis si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity, matapos maglabas ng desisyon ang mga hukom na nagbibigay-daan sa pagsisimula ng paglilitis sa Nobyembre 30, 2026.

Sa inilabas na 17-pahinang resolusyon nitong Huwebes ng gabi, Oktobre 8, sinabi ng ICC Trial Chamber III na nauunawaan at naipagtatanggol ni Duterte ang kanyang mga karapatan bilang akusado sa isang patas na paglilitis.

Naging batayan ng pasya ang pagsusuri ng isang independiyenteng pangkat ng mga ekspertong medikal, kasama ang mga dokumento at pahayag na isinumite ng mga panig na sangkot sa kaso.

Sa kanilang pagsusuri, walang bagong ebidensiyang nagpapakitang lumala ang kalagayang pangkaisipan o kakayahang kognitibo ng dating pangulo. Gayunman, nabanggit sa ulat ang ilang hindi pagkakatugma sa mga natuklasan ng mga eksperto.

Napansin din ng pangkat ang pagbuti ng pangkalahatang pisikal na kalagayan ni Duterte, na posibleng dulot ng serbisyong medikal at pag-aalaga na natatanggap niya habang nakadetine.